Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), ito ay makaraang mabigyan ng otorisasyon ang 32 Authorized Agent Corporations o AACs o mga Authorized STL Agents para makapag-operate muli.
Nakasunod kasi sila sa kondisyon na itinakda ng PCSO partikular ang pagbabayad ng Cash Bond na katumbas ng tatlong buwan ng share ng PCSO sa Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipts (GMMRR).
Ayon sa PCSO, nakakulekta na sila ng P1.75 Billion na Cash Bond.
Maliban dito nakakulekta rin ang PCSO ng P102.27 Million na pawing mula sa under-remittance ng mga STL operator at P65.34 Million para sa petsang August 1 hanggang 20, 2019.
Narito ang listahan ng mga lugar kung saan balik-operasyon ang STL simula ngayong araw:
• Agusan del Sur
• Angeles City, Pampanga
• Apayao Province
• Bacolod City
• Baguio City
• Basilan
• Bataan Province
• Batangas Province
• Benguet Province
• Bulacan
• Cagayan de Oro City
• Catanduanes
• Compostela Valley
• Cotabato City
• Davao City
• Davao del Sur
• Guimaras
• Ilocos Norte Province
• Kalinga Province
• Laguna Province
• San Pablo City
• Lapu-lapu City
• Mandaue City
• Misamis Occidental
• Misamis Oriental
• Negros Occidental
• Negros Oriental
• North Cotabato
• Nueva Ecija Province
• Nueva Vizcaya
• Olongapo City
• Zambales
• Pampanga Province
• Quezon Province
• Romblon
• Santiago City, Isabela
• Sarangani
• Sorsogon Province
• Southern Leyte
• Tarlac
Ayon sa PCSO, ang pagbabalik operasyon ng STL operations ay magandang balita sa libn-libong STL supervisors at representatives na nakadepende sa STL para sa kanilang source of income.