Mga kumpanya ng langis may maliit na bawas sa presyo ng produktong petrolyo

(UPDATED) May karampot na bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Buena manong magpapatupad ng bawas presyo ang Cleanfuel na 20 centavos sa kada litro ng diesel at 10 centavos sa kada litro ng gasolina epektibo alas 4:01 ng hapon ngayong Linggo, Sept. 1

Ang kumpanyang Seaoil naman ay 10 centavos ang bawas sa kada litro ng diesel at gasolina at 15 centavos sa kada litro ng kerosene epektibo sa Lunes, Sept. 2 alas 6:00 ng umaga.

Nasa 10 centavos din ang kaltas sa kada litro ng diesel at gasolina ng Petro Gazz epektibo bandang alas 6:00, Martes ng umaga.

Habang ang Shell ay may kahalintulad na halaga ng rollback gaya ng sa Seaoil pero sa Martes pa, Sept 3 alas 6:00 ng umaga magiging epektibo.

Read more...