5 patay, maraming iba pa ang sugatan sa mass shooting sa Texas

Lima ang nasawi habang halos 20 iba pa ang sugatan sa panibagong insidente ng mass shooting sa Texas, USA.

Ayon kay Odessa Police Chief Michael Gerke, kasama sa nasugatan ang tatlong pulis.

Habang nabaril din at napatay ng mga rumespondeng otoridad ang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang suspek nang isagawa nito ang pamamaril.

Pwersahang kinuha ngsuspek ang usang US mail carrier truck at saka ito pinaandar habang namamaril.

Ang panibagong insidente ng mass shooting ay nangyari halos isang buwan matapos ang pamamaril na naganap sa El Paso, Texas na ikinasawi ng 22 katao.

Read more...