Water level sa Marikina River balik-normal na

Inalis na ang alert level 1 na itinaas sa Marikina River.

Balik-normal na kasi ang water level sa Marikina River, as of 9:00 ng umaga ngayong Linggo, Sept. 1.

Sa datos ng Marikina City Rescue, nasa 14.3 meters na lang ang antas ng tubig sa ilog.

Wala na ring namomonitor na pagbuhos ng ulan sa mga lalawigan na malapit sa Marikina City.

Alas 6:00 ng umaga nang itaas ang alert level 1 sa Marikina River dahil umabot sa 15.1 meters ang water level nito.

Read more...