Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, ang water level ng Angat, alas 6:00 ng umaga ng Linggo, Sept. 1 ay nasa 182.76 meters.
Nadagdagan ito kumpara sa 182.61 meters kahapon, Aug. 31.
Ang Ipo dam ay nadagdagan din ang antas ng tubig at ngayon ay nasa 101.05 meters habang ang La Mesa dam ay nasa 77.38 meters ang water level.
Nadagdagan din ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa San Roque dam at Caliraya dam na kapwa nabawasan.
MOST READ
LATEST STORIES