Water level ng Angat dam, nadagdagan pa nasa 182.86 meters na
Nadagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, ang water level ng Angat, alas 6:00 ng umaga ng Linggo, Sept. 1 ay nasa 182.76 meters.
Nadagdagan ito kumpara sa 182.61 meters kahapon, Aug. 31.
Ang Ipo dam ay nadagdagan din ang antas ng tubig at ngayon ay nasa 101.05 meters habang ang La Mesa dam ay nasa 77.38 meters ang water level.
Nadagdagan din ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa San Roque dam at Caliraya dam na kapwa nabawasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.