Kumalat sa social media ang mga litrato ng Iranian protesters na sumugod sa Saudi Arabian Embassy sa Tehran.
Ito’y bilang pagkundina sa execution ng Saudi Arabia sa Shi’ite Cleric na si al-Nimr, na isa sa apatnapu’t anim na bilanggo na isinalang sa death penalty.
Sinunog ng mga nagprotesta ang bahagi ng Saudi Arabian embassy at pinagbabasag at pinagsisira ang mga furniture, bandila at mga dokumento sa loob ng building.
Tumugon naman ang mga pulis at nagpakawala ng tear gas para maitaboy ang mga protester.
Wala namang napaulat na casualties o namatay sa kaharasan.
Sa statement ng Iran Foreign Ministry na inisyu Linggo ng umaga, nanawagan ito na maging kalmado ang lahat at umapela rin sa mga nagprotesta na irespeto ang property ng diplomatic premises.