Higit sa P700 million ang kinita ng 8 MMFF entries

MMFF-moviesPumalo na sa 737 million pesos ang gross earnings ng walong entries ng 41st Metro Manila Film Festival o MMFF.

Tinalo nito ang record ng MMFF noong nakalipas na taon ng P36 million.

Sa anunsyo sa kanilang Facebook account, sinabi rin ng MMFF executive committee ang ‘top 4’ earners, mula December 25, 2015 hanggang January 01, 2016.

Ang mga pelikulang ito (in no particular order): “My Bebe Love,” “Beauty and the Bestie,” “Haunted Mansion,” at “Walang Forever.”

Ang iba pang entries sa 41st MMFF ay ang ‘Buy Now, Die Later, “All You Need is Pag-Ibig,” “Nilalang” at “Honor Thy Father.”

Inaasahan namang isasapubliko ng MMFF executive committee ang eksaktong box office numbers sa bawat film entries sa January 06, 2016.

Read more...