Manila City Govt., inilatag ang panuntunan para sa mga senior citizen na tatanggap ng P500 kada buwan

Naglatag ng panuntunan ang Manila City Government para sa Senior Citizen Social Pensioners.

Ayon sa Manila Public Information office, sa ilalim ng Ordinance No. 8565 narito ang mga requirement para maging kwalipikadong tumanggap ng P500 kada buwan na pensyon:

– At least 60 years of age
– Bonifide resident ng Maynila
– Rehistradong botante sa Maynila
– Kasama sa masterlist ng Office of Senior Citizen Affairs.

Kung nakatutugon sa nasabing requirements ay maaring makatanggap ng buwanang P500 pensyon.

Para sa iba pang katanungan ay maaring bisitahin ang official Facebook page ng Manila Office of Senior Citizens Affairs.

Read more...