Cortes, Surigao del Sur niyanig ng M4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Cortes, Surigao del Sur.

Naitala ang lindol sa layong 35 kilometers northeast ng bayan ng Cortes alas 7:48 ng umaga ng Linggo, Sept. 1.

Ayon sa Phivolcs, 13 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala.

Read more...