Pinangalanan itong Kabayan ng PAGASA na pang-labingisang bagyo sa bansa ngayong taon.
Huling namataan ang bagyong Kabayan sa layong 2310 kilometers west ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Inaasahang lalabas din agad ng bansa ang bagyong Kabayan ngayong umaga.
Ayon sa PAGASA ang habagat ang maghahatid ng pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.
Samantala, ang isa pang LPA na nasa bahagi naman ng Surigao del Sur ay maari ding maging isang ganap na bagyo.