Isang lalaking kasama sa drug watch list ng Pasay City pulis, arestado

Huli sa aktong hawak-hawak pa ng drug suspek ang isang sachet na pinagbabawal na droga habang nagpapatrolya ang mga pulis bilang bahagi ng kanilang Anti-Criminality program sa Barangay 127 Zone 13 Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Bernard Manalo Donggon, 43-anyos, isang construction worker at residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat ng Pasay City pulis, kinuha mula sa suspek ang hawak-hawak nitong isang sachet ng droga para gawing ebidensiya laban sa suspek.

Napagalaman din na nasa drug watch list ang suspek sa Pasay City pulis.

Naaresto ang suspek bandang alas-8:30, Sabado ng umaga, August 31.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaraping kaso ng suspek.

 

Read more...