Sa datos ng ahensya, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 21 kms silangan ng bayan ng Baganga sa nasabing lalawigan na may lalim itong 35 kms at tectonic ang pinagmulan.
Nairehistro ang mga intensity sa mga sumusunod ng lugar:
Intensity 3 – Baganga, Manay, at Caraga, Davao Oriental
Intensity 2 – Cateel, Davao Oriental; Bislig, Surigao del Sur at Mati, Davao Oriental
Intensity 1 – Davao
Instrumental intensity 1 – Bislig City; at sa Gingoog City, Misamis Oriental
Pahayag naman ng pamunuan ng Phivocls na wala naitalang pinsala at nasugatan ang naturang pagyanig sa nasabing lalawigan.