Ayon kay Veloso, ang 1,914 na pinalayang bilanggo ay hindi dapat kasama sa nasabing batas dahil isang makarumaldumal na krimen ang kanilang nagawa.
Sabi niya na ilegal ang pagkaloob sa kanila ng nasabing batas at dapat aniya ituring sila bilang tumakas na bilanggo.
Pahayag niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi dapat kasali ang 1,914 na preso sa batas na GCTA.
Iginiit niya na ang 1,914 na pinalaya na bilanggo ay nahatulan dahil sa karumaldumal na krimen o tulad ng murder, rape, drug offenses, parricide, kidnapping at arson.