Pinayagan ng Legazpi RTC Branch 10 na makapaglagak ng pyansa ang sinasabing mastermind sa pagpatay kay dating Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Base sa desisyon ni Legazpi RTC Judge Maria Theresa San Juan-Oquillano, sinabi nito na bilang murder ang kaso ni Baldo hindi ito masasabi na matter of right pero nasa husgado ang pagpapasya kung papahintulutan ito na makapag pyansa.
Nakasaad sa kautusan na maaring magpyansa ni Baldo ng ng tig- tatlong milyong piso sa bawat kaso ng murder.
Sinabi pa ng korte na pinagbatayan ng kautusan ang testimonya ng mga iniharap na testigo at mga ebidensya sa isinagawang bail hearing.
Base sa testigong si dating Army M/Sgt. Danilo Muella at dati ring bodyguard ng akusado na walang specific na kautusan si Baldo upang patayin si Batocabe.
Hindi rin nag match ang anumang baril na nakarehistro kay Baldo sa mga bala na ginamit sa pagpatay kay Batocabe at sa security aid nito.
Bukod dito, sinabi ng korte na halos circumstantial lamang ang mga ebidensya ng prosekusyon na nag-uugnay sa akusado sa pagpatay sa dating kongresista.
Nakasaad pa sa pasya ng korte na hindi matibay ang mga ebidensya upang masabing guilty si Baldo sa kasong ibinibintang sa kanya.
Gayunman, iginiit ng husgado na hindi ito maaaring makaapekto sa main case.
Si Batocabe at security aid nito na si SPO2 Orlando Diaz at pinagbabaril at napatay sa Burgos, Daraga, Albay noong December 22 ng nakalipas na taon.