Hollywood, may alok na project kay Jimuel Pacquiao

May offer ang anak ni fighting Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao na si Jimuel Pacquiao mula sa Hollywood.

Ito ay kinumpirma na ng business manager ni Pacman.

Dagdag pa nito ay kasalukuyan na nilang pinag uusapan ang mga detalye ng nasabing proyekto kabilang na ang lugar kung saan gaganapin ang shooting nito.

Hinihintay na lamang nila na ipadala ang final script nito at ngayong taon rin malalaman kung matutuloy ang nasabing project.

Hanggang ngayon naman ay hindi pa nagpapahayag si Pacman kung payag ba siya na tanggapin ng anak ang nasabing project.

Read more...