Bus, sumalpok sa poste ng LRT sa Maynila

Isang pampasaherong bus ang sumalpok sa poste ng LRT sa kahabaan ng Taft avenue, tapat ng Philippine Normal University (PNU) kaninang alas-9:00 ng umaga.

Isa sa mga pasahero ay agad na isinugod sa Philippine General Hospital dahil sa matinding pinsala na natamo nito habang lima pa kabilang ang driver ng nasabing bus ang naitalang sugatan na dinala na rin sa isang pagamutan sa Binondo.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang tunay na sanhi sa nangyaring aksidente.

Read more...