Sa pagkukumpira ni PDEA-12 Regional Director Naravy Daquiatan, ang nasabing mga bayan sa lalawigan ay kinabibilangan ng Pikit, Aleosan, Carmen, at bayan ng Arakan.
Ayon sa opisyal, inaangkat sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng probinsya ang mga sako-sakong pinatuyong dahon ng marijuana gamit ang pampubliko at pribadong mga sasakyan.
Bukod sa lalawigan ng North Cotabato ay mayroon rin mga plantasyon ng marijuana sa lalawigan ng Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat.
Marami na ang mga taong nahuhumaling sa paggamit ng marijuana dahil sa mataas ang presyo ng shabu kumpara dito na nasa P25 hanggang P150 lamang ang halaga ng isang gramo.