Faeldon gigisahin ng Senado sa pagpapalaya sa ilang preso

Inquirer file photo

Binalaan ni Senate Justice and Human Rights Committee Chairman Richard Gordon si Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon.

Ito ay kaugnay sa lumabas na mga ulat na hindi sisiputin ni Faeldon ang pagdinig ng Senado sa Lunes kaugnay sa mga napalayang preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sinabi ni Gordon na hindi niya itutuloy ang pagdinig sa Lunes kapag hindi dumating si Faeldon kasabay ang pagsasabing handa na ang subpoena at pirma na lamang ng Senate President ang kulang para obligahing dumalo sa imbestigasyon ang pinuno ng BuCor.

Nais pagpaliwanagin ng ilang mga mambabatas si Faeldon kung paano ang ginawang paraan at napalaya ang halos ay 2,000 mga preso sa ilalim ng GCTA law.

Dahil sa nasabing kontrobersiya ay hindi napasama sa mga napalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Gusto rin ng komite ni Gordon na ilabas sa publiko ang pangalan ng mga bilanggong nakinabang sa GCTA.

Read more...