Tangke ng LPG sumabog sa Makati, 1 sugatan

Nagtamo ng first degree burns ang isang babae matapos ang pagsabog ng tangke ng LPG sa kanyang apartment sa Makati City araw ng Biyernes.

Nagtamo ng paso sa mukha, braso at binti ang biktima na naka-confine ngayon sa ospital.

Dahil sa pagsabog ng LPG tank, nasunog ang unang palapag ng apartment.

Nabatid na nasa sala ang biktima nang narinig nitong may sumisingaw sa kusina.

Ayon sa ilang kaanak, bagong kabit ang tangke ng LPG.

Sinubukan ng babae na patayin ang burner pero biglang naganap ang pagsabog.

 

Read more...