PRRC: Mga halaman nakatulong sa paglilinis ng Estero de Binondo

Pasig River Rehabilitation Commission photo

Mula sa dating puno ng mga basura, malinis na ngayon ang Estero de Binondo at nakikita na sa tubig nito ang paligid gaya ng mga gusali at ilang istraktura.

Sa Facebook post ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), makikita ang larawan ng malinis ng Estero de Binondo.

Katunayan, nagre-reflect na sa tubig ng estero ang mga gusali gayundin ang kalangitan.

Ayon sa PRRC, nagtanim sila ng mga halaman para makatulong sa pag-filter ng tubig.

Layon umano ng mga halaman sa paligid ng estero na maging maayos ang kalidad ng tubig.

Kabilang sa mga halaman sa paligid ng Estero de Binondo ang Bandera Espanola, Vetiver at Heliconia na napatunayang sumisipsip ng pollutants.

Tiniyak naman ni PRRC Executive Director Jose Antonio Gotia na patuloy ang kanilang hakbang para mapanatili ang kalinisan ng estero.

 

 

 

Read more...