Duterte sa mga negosyanteng Chinese: ‘Isumbong sa akin ang tiwaling opisyal’

Screengrab of RTVM video

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng Chinese na ipaalam sa kanya kung mayroong opisyal ng bansa na nanghihingi ng pera sa kanila.

Sa kanyang talumpati sa Philippine-China Business Forum sa China araw ng Biyernes, sinabihan ng pangulo ang mga Chinese na gustong magnegosyo sa Pilipinas na isumbong sa kanya kung may problema sila sa kurapsyon.

Tiniyak ng pangulo sa mga Chinese businessmen na hindi niya kukunsintihin ang katiwalian sa Pilipinas.

Kapag nagka-problema anya sa pagtatayo ng negosyo sa bansa ay maaaring makipag-kita sa kanya ang negosyante at sabihin kung sinong opisyal ang nanghihingi ng pera.

“If you encounter, or your agents, or your lawyer will tell you ‘This official is asking for something like this’ you just tell me and I will call that official, whoever he is, in my office and in your presence,” pahayag ng pangulo.

Dagdag ni Pangulong Duterte, sasabihan niya ang inireklamong opisyal na kumain ng pera at barya.

“…will tell the official to eat the money and swallow the coins,” ani Duterte.

 

Read more...