SK chairman arestado sa buy bust sa Zamboanga del Sur

Arestado ang isang chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buy bust operation sa Molave, Zamboanga del Sur araw ng Biyernes.

Ayon kay Molave Police chief Major Willie Joy Pogado, hinuli ng anti-narcotics agents si Melky Jan Alvarez.

Si Alvarez ang SK chairman sa Barangay Lower Usagan sa bayan ng Tambulig.

Hinuli ang suspek matapos itong magbenta ng shabu sa isang undercover agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakuha kay Alvarez ang P8,000 halaga ng shabu.

Nahaharap ang SK chairman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...