Mahigit 100 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Pagadian City

Nawalan ng tirahan ang aabot sa 145 na pamilya sa sunog na naganap sa Pagadian City araw ng Biyernes, Aug. 30.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Odie Golez na mabilis kumalat sa mga katabing bahay.

Nahirapan pa ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa malakas na hangin sa tabing-dagat.

Umabot ng dalawang oras ang sunog bago tuluyang naapula.

Wala namang nasaktan sa sunog at inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala nito.

 

Read more...