Nagdeklara ng state of calamity sa apat na mga barangay sa Davao City na nakaranas ng pagbaha noong Miyerkules (Aug. 28) ng gabi.
Sa isinagawang special session ay inaprubahan ng City Council ang deklarasyon ng state of calamity sa barangay Los Amigos, Tugbok Proper, Talomo at Wangan.
Maglalaan ang City Government ng P50 million mula sa Quick Response Fund ng lungsod para tulungan ang mga binahang residente.
Ang pagbaha na naranasan sa mga barangay sa Davao City noong Miyerkules ay dulot lamang ng localized thunderstorms.
MOST READ
LATEST STORIES