Ang LPA ay huling namataan sa layong 485 kilometers East ng Aparri, Cagayan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, sa susunod na 24 na oras ay maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA.
Magiging bagyo lang aniya ito kapag nakalabas na ng bansa.
Dahil sa nasabing LPA, ang Bicol Region, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora at Quezon
ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.
Habagat naman ang maghahatid ng pag-ulan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Samantala, isang Shallow Low Pressure Area pa ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas naman ng bansa.
Sinabi ni Ordinario na batay sa kanilang forcast model ay maari itong maging isang ganap na bagyo.