Anim na bagyo ang inaasahan sa unang apat na buwan ng 2016

bagyo2
Radyo Inquirer file photo

Hindi bababa sa anim na bagyo ang inaasahang papasok sa Pilipinas sa unang ilang buwan ng taong 2016.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, posibleng tig-iisang tropical cyclone ang tatama sa bansa simula Enero hanggang Abril.

Pagdating naman ng Mayo at Hunyo, inaasahan din ng PAGASA na papasok sa bansa ang isa o dalawang bagyo.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, ang anim na bagyo na posibleng pumasok sa bansa ay mas mababa sa karaniwang bilang dahil sa El Niño phenomenon.

Ngunit nagpaalala ang PAGASA sa publiko na laging maging handa at huwag ipagsawalang-bahala ang pagbaba ng bilang ng mga posibleng bagyo na tatama sa bansa dahil maaaring isa sa mga ito ay magdulot ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng dry spell ngayong taon ang mga probinsiya ng Laguna, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Guimaras, Albay, Aklan at North Cotabato dahil sa presensiya ng El Niño.

Sinabi din ng PAGASA na apat na lugar sa bansa kabilang na ang Quezon province, Camarines Norte, Northern Samar at Samar ang posibleng makaranas ng tagtuyot at hindi normal na pag-ulan ngayong taon.

Read more...