May bago nang bishop ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas.
Nakatakdang italaga ni Archbishop of Manila Cardinal Luis Antonio Tagle si Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong bishop ng Diocese of Caloocan ngayong araw ng Sabado sa San Roque Cathedral.
Inatasan ni Pope Francis ang Apostolic Nuncio na si Rev. Guiseppe Pinto na basahin ang sulat ng Pontiff na nagtatalaga kay David sa naturang posisyon matapos magretiro si Bishop Deogracias Iñiguez Jr. noong 2013.
Sakop ng naturang diocese ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas.
Si David ay naging auxiliary bishop ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga at parish priest ng Holy Rosary Parish sa Angeles City na idineklarang National Cultural Treasure noong Disyembre.
MOST READ
LATEST STORIES