Lalaki huli sa aktong nagtatapon ng basura sa Divisoria

Huling-huli sa akto ang isang 60-anyos na lalaki na nagtatapon ng ibat-ibang uri ng mga basura sa Divisoria, Maynila Biyernes (Aug. 30) ng madaling araw.

Iprinisinta sa Manila City Hall si Nonito Algara, residente ng Primero de Marso, Pasay City at inanunsiyo na siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Sa ulat, ala-5:30 ng madaling araw nang maaktuhan si Algara na itinatapon ang mga kargang basura mula sa minameneho niyang Isuzu Elf truck na may plakang WBE 259 sa kanto ng C.M Recto Avenue at Asuncion Street.

Sa tulong ng ilang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau, hinuli ni Police Sergeant Alfredo Ruz si Algara.

Read more...