Kidapawan City isinailalim sa state of calamity dahil sa dami ng kaso ng dengue

Isinailalim na sa state of calamity ang Kidapawan City dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue.

Sa huling tala ng anti-dengue coordinator sa Kidapawan, umabot na sa 687 ang dengue cases sa lugar mula Enero hanggang Agosto 24.

Mas mataas ito ng 237 percent kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Dahil dito, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang deklarasyon.

Nakapagtala ng maraming kaso ng dengue sa sampung barangay kabilang ang Birada, Poblacion, Amas, Balindog, Lanao, Sudapin, Manongol, Paco, Magsaysay at Singao.

Hinikayat naman ni Mayor Joseph Evangelista ang mga residente na makiisa sa paglilinis para sa kampanya laban sa naturang sakit.

Maliban sa nasabing lugar, nagdeklara na rin ng state of calamity ang Zamboanga Sibugay, South Cotabato, ilang barangay sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Read more...