Nagbabakasyong OFW, nasagasaan, patay sa Batangas

san jose batangasIsang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasawi matapos mabangga ng motorcycle habang tumatawid sa kalsada upang sindihan lamang ang isang paputok sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon noong Biyernes, January 1, 2016.

Nabatid na nakabasyon lamang naturang OFW upang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon kasama ng kanyang pamilya sa San Jose, Batangas at nakatakdang bumalik sa kanyang trabaho sa Saudi Arabia sa January 20.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Ona, residente ng Barangay Sto. Cristo.

Base sa ulat ng pulis, tumatawid si Ona sa kalsada na malapit sa kanyang bahay upang sindihan ang paputok nang mabangga ito ng isang motorcycle na minamaneho ni Jestoni Escobilla.

Nangyari ang insidente ng 12:20 ng madaling araw ng Biyernes, matapos ang pagpapalit ng taon.

Ayon sa mga saksi, lango sa alak si Escobilla at ang kanyang motorcycle ay walang headlights.

Dahil sa naturang insidente, inaresto si Escobilla at kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

Read more...