Ilang lalawigan sa Luzon uulanin ayon sa PAGASA

Asahang uulanin ang Tarlac, Nueva Ecija, Bataan at Cavite.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA bandang ala 1:30 ng hapon, mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa apat na lalawigan.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Nag-abiso naman ang weather bureau sa mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...