BOC pinaiiwas ang kanilang mga empleyado sa “Sangla ATM scheme”

Pinayuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mga tauhan na iwasan ang mangutang ng pera kapalit ang pagsasanla ng kanilang ATM.

Ang babala ay ginawa ng BOC kasunod ng abiso ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang “Sangla ATM scheme” ay prone sa identity theft.

Hinimok ng BOC ang mga tauhan nila na huwag gamiting loan collateral ng kanilang ATM cards.

Sa halip, sinabi ng BOC, mas mainam kung sa mga lehitimong financial institutions na lamang manghiram ng pera kung talagang kinakailangan.

Read more...