Ito’y matapos ang pag-amin ni Health Secretary Francisco Duque III sa budget hearing na hindi pa mailalatag sa susunod na taon ang UHC sa buong bansa.
Ayon kay Romualdez, pinasiguro na ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mapopondohan ang UHC para makapaghatid ng nararapat at mahusay na serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.
Sa tulong ito ng pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na magpapataw ng excise taxes sa mga nakalalasing na inumin, heated tobacco at vapor products.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na aabot sa 65 billion pesos ang funding gap ng UHC sa 2020, bagama’t inaasahang makakalikom ng 16.6 billion pesos ang gobyerno mula sa alcoholic beverages sa unang taon ng implementasyon.
Paliwanag pa ni Romualdez, maituturing na basic right ang kalusugan na siyang prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nagkakasa na ng komprehensibo at integrated approach ang pamahalaan para gawing abot-kaya ang health services.