Pagtitiyak ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano ayon kay House Committee on Labor and Employment senior vice chairman Michael Edgar Aglipay.
Sa kabila nito iginiit ng ilang kongresista na hindi dapat madaliin ang pagpasa sa naturang kontrobersyal na panukala.
Ayon kay AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin, dapat pag-aralan muna ng husto ng komite ang mga probisyon na nilalaman ng Security of Tenure Bill.
Hindi aniya makakabuti kung mamadaliin ang pagpasa rito sa komite pa lamang sa pamamagitan ng paggamit ng House Rule 10, Section 48.
Para naman kay Anak Mindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan, makakabuti rin kung magkakaroon ng mas mabuting koordinasyon sa pagitan ng Kongreso at Ehekutibo.
Sa ganitong paraan, maiiwasan ayon kina Garin at Sangcopan na ma-veto ng Pangulo ang anti-Endo bill.