5 menor de edad nailigtas sa isang bar sa Sorsogon

Nailigtas ng mga otoridad ang limang menor de edad na natatrabaho bilang sex workers sa Casiguran, Sorsogon.

Sa ikinasang operasyon, inaresto sa salang child trafficking sina Jenine Juadines, 42, may ari ng Monjen VIdeoke Bar at si Jane Delos Reyes, 41 na isa namang waitress.

Ayon kay Capt. John Flofer Galano, Casiguran Police chief, ni-recruit mula sa ibang lugar ang mga menor de edad.

Sa isinagawang pagsalakay, isang pulis ang nagpanggap na costumer at nagawa nitong makipagnegosasyon sa halagang P2,000 kapalit ng sex.

Isinailalim sa surveillance ang bar bago ikinasa ang pagsalakay.

Read more...