Fil-Canadian actress Cassandra Steele bibida sa bagong Disney animated movie “Raya and the Last Dragon”

Tampok ang isang Filipino Canadian actress sa bagong animated movie ng Disney na “Raya and The Last Dragon.”

Sa D23 Expo sa Anaheim California noong nakaraang linggo, inanusyo ng kompanya ang magiging boses ng mga pangunahing bida sa pelikula na pinangungunahan ng Filipino-Canadian na si Cassandra Steele bilang Raya at ang Crazy Rich Asians star na si Awkwafina bilang Sisu the dragon.

Ang nasabing pelikula ay kasama sa big announcement ng Disney para sa mga bago nilang proyekto.

Ang Raya ay sa direksyon nina Paul Brigs at Dean Wellins na nasa likod ng hit animated movie na Frozen at Big Hero 6 at sa panulat ni Adele Lim na siyang namang screenwriter ng Crazy Rich Asians.

Magiging sentro ng pelikula ang Southeast Asian culture sa isang fictional kingdom na kung tawagin ay Kumandra.

Ang Raya and the Last Dragon ay nakatakdang ipalabas sa November 2020.

Read more...