Tumagas na langis mula sa truck nagdulot ng matinding traffic sa EDSA

FILE PHOTO
Nagdulot na masikip na daloy ng traffic sa EDSA northbound ang tumagas na langis mula sa isang truck.

Dahil dumulas ang kalsada, ilang motorsiklo ang sumemplang sa bahagi ng EDSA SM North.

Ayon sa mga rumespondeng traffic enforcer sa lugar, ang langis ay galing sa isang truck na nag U-turn malapit sa SM Annex.

Kinailangan pang bombahin ng tubig ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang kalsada para maalis ang langis.

Habang isinasagawa ang paglilinis ay isinara ang linya sa EDSA na apektado kaya umabot sa Quezon Avenue flyover ang tail-end ng traffic sa EDSA northbound.

Read more...