13 kabataan huli sa paglabag sa curfew ordinance sa Antipolo

Photo: Antipolo City Govt.

Hinuli ang 13 mga kabataan sa Antipolo City na pawang lumabag sa curfew ordinance.

Sa isinagawang operasyon ay nahuli ang mga kabataan na pawang menor de edad na pakalat-kalat sa lansangan dis oras ng gabi sa kabila ng umiiral na curfew.

Pinagsabihan lamang ang mga kabataan at saka pinasundo sa kanilang magulang.

Sa ilalim ng curfew ordinance, ang mga kabataan at magulang na lalabag ay papatawan ng mga sumusunod na parusa:

1st Offense – P2,000.00 o 48 oras na community service
2nd Offense – P3,000.00 o 72 oras na community service
3rd Offense – P5,000.00 o 120 oras na community service

Kung habitual violators o paulit-ulit na ang paglabag sa ordinansa ay maaaring masampahan ng kaso bilang paglabag sa Antipolo City Code of Parental Responsibility at iba pang batas tulad ng Child and Youth Welfare Code (PD 603) at RA 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Payo ng lokal na pamahalaan sa mga magulang, maging responsable sa pagbabantay sa kanilang mga anak.

Read more...