Water level ng Angat dam nadagdagan pa

Tumaas pa ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Aug. 30) ay nasa 182.42 meters na ang water level ng Angat.

Umangat ito kumpara sa 182.16 meters kahapon.

Nabawasan naman ng kaunti ang water level sa Ipo dam na nasa 100.90 meters ngayon.

Habang nadagdagan naman ng bahagya ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.23 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, at Pantabangan dam.

Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Magat at Caliraya.

Read more...