DeMarcus Cousins ng LA Lakers ipinaaaresto ng korte dahil sa pananakot umano sa kaniyang girlfriend

Nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa Alabama laban kay DeMarcus Cousins ng Los Angeles Lakers.

Ito ay kaugnay sa reklamong domestic violence laban kay Cousins.

Ang warrant of arrest ay inilabas dalawang araw matapos ibunyag ng TMZ ang audio recording ng pananakot ni Cousins sa kaniyang ex-girlfriend.

Sa nasabing audio recording ay nagtatalo ang dalawa tungkol sa kanilang 7 taong gulang na anak.

Noong Martes kapwa nagpalabas ng pahayag ang NBA at ang Lakers na iniimbestigahan na nila ang alegasyon.

Read more...