Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon apektado ng habagat

Apektado ng Habagat ang western section ng Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, Biyernes, Aug. 30, ang Habagat ay maghahatid ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Sinabi ng PAGASA na ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng landslides o flash flood.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Wala namang inaasahang bagyo na papasok sa loob ng bansa sa susunod na mga araw.

Read more...