Ayon kay NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nakilala ang suspek na si dating patrolman Victor Bustamante, 37 anyos.
Dating miyembro ng Southern Police District ang suspek at nakatalaga sa district intelligence division.
Nakatanggap ng mga reklamo ang pulisya tungkol kay Bustamante na nagsasagawa pa rin ito ng Oplan Sita kahit wala na sa serbisyo.
Tinatarget umano ni Bustamante ang mga tulak ng droga at kinukuha nito ang mga droga na kanya namang ibinebenta.
Positibong nakabili ang poseur-buyer ng P10,000 halaga ng shabu mula kay Bustamante.
Matapos ang bentahan ng droga ay agad itong inaresto at nakuhaan ng dalawang medium-sized plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000.
Now: PMGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR is in RSOU relative to the arrest of ex-Patrolman Victor Bustamante following an anti-illegal drug operation.#TeamNCRPO #PIOncrpo #RDEleazar #GeneralEleazar #InternalCleansingProgram pic.twitter.com/uawzSUg5OS
— PIO NCRPO (@pioncrpo2019) August 29, 2019