Duterte nakipagkita sa dating economic adviser na si Michael Yang sa China

Malacañang file photo

Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang dating economic adviser na si Michael Yang sa Beijing, China ayon kay Sen. Bong Go.

Ayon kay Go, nagkaroon ng private lunch ang pangulo kasama ang delegasyon at ilang mga kaibigan.

Nilinaw naman ni Go na hindi si Yang ang nag-host ng lunch.

Kabilang anya sa mga dumalo sa private lunch si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Hindi kasama ang private lunch sa official schedule ni Pangulong Duterte.

Magugunitang umingay ang pangalan ni Yang matapos idawit sa kalakalan ng droga ng dating PNP Drug Enforcement Group (DEG) deputy director for administration na si Eduardo Acierto.

Pero mariing itinanggi ito ng pangulo at nanindigan ito para kay Yang na anya’y matagal na niyang kilala dahil may mga business interests ito sa Davao City.

 

Read more...