M3.4 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-11:22 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 36 kilometro Hilagang-Silangan ng Cortes.

May lalim ang pagyanig na 20 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...