LOOK: Duterte nakasama ang sikat na Chinese actor na si Jackie Chan

Senator Bong Go photo

Hindi lamang malalaking pulitiko ang nakakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang state visit nito sa China.

Ito ay matapos makasama ng presidente ang sikat na Chinese action star na si Jackie Chan.

Ibinahagi ni Senator Christopher Bong Go sa Facebook ang mga larawan ng pagkikita nina Duterte at Chan.

Iprinesenta sa pangulo ang stuffed Panda na may logo ng UNICEF at isang libro mismo ng aktor.

Game na game ding nagpose si Jackie Chan ng signature fist bump pose ng pangulo.

 

Read more...