Lisenya ng bus drivers na nagpalabas ng mga piniratang pelikula pwedeng bawiin

Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) na maaaring ma-revoke ang mga lisensya ng mga bus drivers na nagpapalabas ng piniratang pelikula sa gitna ng biyahe.

Sa panayam ng INQUIRER.net, sinabi ni Roberto Valera ng LTO na makikipag-ugnayan sila sa Optical Media Board (OMB) kaugnay ng kaso.

Aalamin ng LTO ang extent ng pananagutan ng bus drivers at posibleng suspendihin o bawiin ang kanilang lisensya.

Sinabi ni Valera na kung napatunayan na may pagkakasala ang driver ay maaaring masuspinde ang linsensya nito ng halos 3 buwan alinsunod sa Article 1, Section 27 ng Republic Act 4136.

“We will coordinate with the OMB on the nature of the violation. We will be evaluating kung ano yung extent ng kanilang kasalanan. From there, we could initiate suspension or revocation proceedings of their licenses based on the findings of OMB,” pahayag ni Valera.

Pahayag ito ng LTO matapos mahuli ng OMB ang ilang bus units ng Metro Manila Bus Co., Saulog Transit at SanTrans Corp. na nagpapalabas ng piniratang kopya ng mga pelikulang “Hello, Love, Goodbye” at “Avengers: Endgame.”

Ilan pang piniratang pelikula na nakalagay sa mga USB flash drives ang nakumpiska sa raid ng OMB sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITEX).

Samantala, makikipag-ugnayan din sa OMB ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at kung may ihahaing reklamo ay kanila itong diringgin.

 

Read more...