Higit P1M halaga ng marijuana nasabat sa Bulacan; 3 suspek arestado

Arestado ang tatlong lalaki matapos makumpiska sa kanila ang nasa P1.2 milyong halaga ng marijuana sa buy bust operation sa Marilao, Bulacan.

Nakilala ang mga suspek na sina Jersy Mangaron Ricafrente, Kyle Vincent Catungal Mangaron at Erwin Jeffrey Samson.

Sa ulat ni Bulacan PNP chief Police Col Chito Bersaluna, nagkaroon ng buy bust operation sa tapat ng isang convenience store.

Isang nagpanggap na buyer ang nakipag-transaksyon sa mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang anim na bloke ng marijuana na may timbang na anim na kilo.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Len)

 

Read more...