Asahan pa rin ang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Batangas, Huwebes ng gabi.
Base sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, ito ay dahil sa umiiral na southwest monsoon o habagat.
Mararanasan ang sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan din ang mararamdaman sa Bulacan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija.
Inabisuhan naman ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES