5 drug suspects, timbog sa buy-bust operation sa QC

Timbog ang limang lalaki na umano’y tulak ng droga matapos ang ikinasasang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City, 3:30, Huwebes ng madaling-araw (August 29).

Ang operasyon ay pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District – Stations Drug Enforcement Unit (QCPD-SDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Target ng mga otoridad sina Teotimo Balan, 46-anyos; Fernando Pre, 50-anyos; Enrique Paylor, 43-anyos; Allan Bautista, 35-anyos at Justine Hison, 20-anyos.

Ang mga suspek ay residente ng nasabing lungsod.

Narekober ng mga otoridad ang 15 sachet ng hinihinalang droga na may timbang na limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000.

Maliban dito, nakuha rin sa mga suspek ang isang pirasong P500 na ginamit bilang buy-bust money at tatlong bundle ng tig-P1,000 na umano’y galing sa droga.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong kakaharapin ng mga suspek.

Read more...